Local News

‘I-Takeover na ng DU30 Govt ang ABS-CBN’ Journalist Mon Tulfo, may payo sa pamahalaan!

Para kay Special Envoy to China Ramon Tulfo, dapat nang i-takeover ng pamahalaan ni Pangulong ROdrigo Roa Duterte ang ABS-CBN upang maisalba ang 11,000 umanong emplwyado ng kumpanya.

Sa kanyang column sa The Mania TImes, sinabi ni Tulfo na pwedeng gamitin ng gobyerno ang emergency situation para mapanindiganang ang pag takeover sa Kapamilya network.

“Since the ABS-CBN Corp. will not be reopening anytime soon, why doesn’t the government take over the network to give the public a choice over what to listen to in news on the pandemic and save the network’s 11,000 talents and employees from going jobless?” sabi ni Tulfo.

Ayon kay Tufo, kung sakali isalba ng goberno ang mga ABS-CBN dapat ay wala na ang mga Lopez sa eksena.

“Here’s my humble suggestion: Retain the present management, rank-and-file personnel and talents, but take Eugenio Gabriel ‘Gabby’ Lopez 3rd, the owner, out of the picture. Pay Gabby Lopez or whatever, but take him out because he’s the center of controversy,” paliwanag ni Tulfo.

Ang ABS-CBN ay pinahinto ng National Telecommunication Commission (NTC) na umere nitong unang bahagi ng Mayo dahil sapagkapaso ng prangkisa nito. Matatandaang nagbanta din si Solicitor General Jose Calida sa NTC na makakasuhan ang mga ito kung bibigyan ng provisional authority to operate ang ABS-CBN.

“The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise,” banta ni SolGen Calida.

Magugunita na ilang beses nagbanta si Pangulong Duterte na hahadlangan niya franchise renewal ng ABS-CBN.

Minadali naman ng kongreso ang pagbibigay ng provisional franchise para sa ABS-CBN pero ilang araw lang ang lumipas ay binawi din ito ng mababang kapulungan.

Source: Politiko | ABS_CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén