Local News

Ibigay niyo ang Respeto na Dapat kay Noynoy – Kris

Kamakailan lang ay pumutok ang balita na dinala si dating Presidente Benigno “Noynoy” Simeon Cojuangco Aquino III sa Makati Medical Center. Base sa paunanang impormasyon ng DZRH News Television, nagtungo sa ospital ang dating Pangulo upang isailalim sa operasyon sa puso.

Agad naman nilinaw ng kampo ni Noynoy na isang scheduled check up ang dahilang kung bakit ito nagpunta sa ospital.

“Former president Noynoy Aquino is at the Makati Medical Center for a scheduled checkup and a routine procedure… While he is currently under observation, I was able to speak to him and apprise him of what is being reported in media. Nagbiro pa na baka daw kaya heart procedure ang balita kasi heartbroken siya,” paliwanag ng spokesperson ni Aquino na si Abigail Valte.

Binasag naman ng kapatid ni Noynoy ang katahimikan nito sa isyu. Sa social media account, sinabi ni Kris Aquino na dapat ibigay kay dating Pangulong Aquino ang respeto na nararapat para dito.

“I am not at liberty to speak for my brother, but as the mother of his text mate, josh, someone who loves his Tito Noy, with his whole heart- I hope we can all give him the respect & kindness our fellow man deserves,” sabi ni Kris.

“In the midst of deeply divisive politics in our country, I still believe that we remain a CARING & COMPASSIONATE people. News has circulated about my brother’s health & current hospitalization… he chooses to live his life privately and that has its advantages, but can also open him up to some unnecessary speculation,” dagdag pa ng nakakabatang kapatid ni dating Pangulong Noynoy.

Magugunita na noong matapos ang termino ni Noynoy ay kinasuhan ito ng sari-saring asunto. Ilan sa mga kasong hinaharap ni Noynoy ay ang “usurpation of legislative powers over the implementation of the Disbursement Acceleration Program”. May kaso din ito kaugnay sa kontrobersiyal na Dengvaxia dengue vaccine.

Source: Politiko | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: