Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Dahil sa Pera, Nasira ang Relasyon ni Trillanes at ICC Case Lawyer?

Nitong nagdaang mga araw ay nagsasasalita na laban kay former Senator Antonio Trillanes si Attorney Jude Sabio, ang abogado na naghain ng communications sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinimulan ito ni Sabio sa isang artikulo sa Mindanao Gold Star Daily na inilathala muli sa The Manila Times.

Isa umano sa naging mitsa ng hindi nila pagkakasundo ay ang P700,000 na bayarin para sa paga-abogado niya kay self-confessed Davao Death Squad member at whistle blower na si Edgar Matobato.

“Kailangan ko ‘yung pera na P700,000 para maka-survive ako dahil tignan mo, pinutol na ni Senator Trillanes ang binibigay niya sa akin monthly. Paano ako makaka-recover eh for the past two years ay limitado ang movement ko. Hindi ako makapag-practice ng pagka-abogado ko for a long time. Unang-una, pagkatapos ko sa Hague (ICC) nagka-martial law sa Mindanao. So hindi ako nakapunta sa Mindanao dahil binawalan nila ako,” pagbubunyag ni Attorney Sabio.

Nangangamba din daw siya sa warrant of arrest na inilabas noong Abril dahil siguradong kulong siya kung mahuhuli siya. Wala din daw itong piyansa.

“Lumabas ang warrant of arrest ko last April 2018. ‘Yung na naman nagka-probnlema na naman ako. Dahil biruin mo naman, ang warrant of arrest ko ay 15 days with n bail. Pag nahuli ako, lagot ako, mapupunta talaga ako sa kulungan,” dagdag pa ni Sabio.

Naniniwala naman si Sabio na malalim ang pagkaka-ugnay ni Trillanes sa “Ang Totoong Narcolist” video series. Sa naturang mga videos, nagsasalita ang lalaking may palayaw na “Bikoy” at idinadamay si Pangulong Duterte at ang kaanak nito sa droga. Kalaunan ay lumitaw si Bikoy sa katauhan ni Peter Joemel Advincula.

“Ang impression ko at that time, dahil kinukuha niya akong abogado, it only means na malalim ang involvement niya sa Bikoy na ‘yan… Kaya sinabihan ko siya na huwag mo nang pasukan ‘yan sir, primarily because, una, ang financial resources. Number 2, ang problema doon, ang kutob ko, si Bikoy is a trap,” saad ni Sabio.

Source: ABS-CBN | Mike Navallo via Odette Dequito-Javier

Leave a Reply

Theme by Anders Norén