Local News

ICC Prosecutor na Nag-iimbestiga kay DU30, Papalitan na?

Nakatakdang magbotohan ang mga kasaping bansa sa International Criminal Court (ICC) para pumili ng bagong chief prosecutor na tututok sa war crimes tribunal.

Apat na kandidato mula sa mga bansang Spain, Ireland, Italy at Britain ang napipisil para palitan si outgoing prosecutor Fatou Bensouda.

Magugunita na si Bensouda ang nagbukas ng preliminary examinations sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang hakbang na ito ni Bensouda ay ikinagalit ng Presidente.

“That short lady there, the black, announcing investigation—if I see you, I will slap you. Who are you to threaten me?” sabi ni Pangulong Duterte noong 2018.

“What is your authority now? If we are not members of the treaty, why are you … in this country?… You cannot exercise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you,” banta pa ng Pangulo.

Matatandaang na nong Marso ng 2018 ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statue, ang treaty na nagtatag sa ICC. Kahit na naging pormal ang pag-alis ng Pilipinas sa ICC ay itinuloy pa rin ni Bensouda ang imbestigasyon.

Noong Disyembre 2020, inulat ni Bensouda na naniniwala siya na mayroong nangyaring crimes against humanity sa pagpapatupad ng giyera kontra-droga ng Duterte Administration.

Source: Inquirer | Reuters

Leave a Reply

Theme by Anders Norén