Local News

Ice Cream na Kontaminado ng Covid, Natuklasan!

Tatlong sample ng ice cream mula sa isang kumpaniya mula sa Tsina ang nagpositibo sa covid-19. Dahil sa nangyari libo-libong kahon ng ice cream ang kinumpiska.

Matapos matuklasan ang mga ice cream kontaminado ng virus, itinapon ng Tianjin Dqiadao Food Company ang mahigit 2,000 kahon ng kanilang produkto. Naniniwala naman ang mga opisyal na higit pa sa 4,000 ang nakontaminahan ng virus. Isinailalim na sa testing ang 1,662 na empleyado ng kumpanya.

Ayon sa ulat ng Sky News, maipamahagi na raw ang mga kahon ng ice cream bago lumabas ang resulta na mayroong covid ang mga ito.

Ang mga market regulation authorities sa labas ng porbinsiya ng Tianjin ay napaalalahanan na. At ang mga nakabili na ng nasabing produkto ay sinabihan na i-ulat ang kanilang kalusugan sa mga community officials.

Naniniwala naman ang mga health authorities na maaaring nabuhay ang virus dahil sa lamig ng temperatura ng ice cream.

“Of course, any level of contamination is not acceptable and always a cause for concern, but the chances are that this is the result of an issue with the production plant and potentially down to hygiene at the factory,” sabi ni Dr. Stephen Griffin.

Source: Fox News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén