Local News

“Idol ko si Marcos pero ‘Di ko Mapapalagpas ito!” Sen. Imee, Niresbakan ni Robin Padilla!

Rumesbak ang aktor na si Robin Padilla kay Senador Imee Marcos matapos tawagin ng mambabatas na “palpak” ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng Duterte Administration.

“Alam na natin palpak ang ECQ kahit halos isang taon tayo nagdusa. It’s not about policing ever-changing lockdown levels; It’s about urgent, science-based medical solutions. Is there a doctor in our public health house?” sabi ni Sen. Imee.

Ayon kay Padilla, akala niya ay isa si Sen. Imee sa susuporta ng gobyerno dahil kilalang kaalyado ng mga Duterte ang pamilya Marcos. Giit ng aktor, kahit sa ibang bansa ay sumasailalim rin sa lockdown. Banat ni Padilla, tumulong na lang ang senadora imbes na magreklamo.

“Wow! Mam Senator Imee Marcos, hindi ako makapaniwala sa nabasa ko ah… Makikiraan po ako sa inyo dahil idol ko si presidente Ferdinand “Apo Lakay” Marcos at crush ko po kayo noong bata ako sa Kulit Bulilit nong araw, pero hindi ko mapapalagpas ito po.

Madame Senator, ang Ontario, Canada po is in lockdown din po. Nasa 3200 lang po ang kanilang infection nang sila ay magdesisyon na magsara ng mga bahay, tayo po lumalagpas na sa 10000 kaya kinailangan po uli tayo magsara. Madame, ang lockdown po kasi ang first line of defense kapag may pandemic simula pa po noong araw hanggang ngayon, hindi lang po yan sa Pilipinas.

Majority of the rich countries are adapting this defense kapag uncontrollable ang infection. Ang pinakamaganda po siguro para maging mainam ang sitwasyon ng mga kababayan natin na apektado ng lockdown ay magbigay po kayo ng personal ninyong ayuda sa mga tao. Kami po kasi na mga normal tax paying citizens ay sagad na. Nabubuhay na lang po kami sa depleting bank accounts namin kaya very immediate na lang ang inaabot ng ayuda namin. Kayo po ay ibinoto ng mga tao at may mga pondo kayo from our taxes, you might as well use it now while your barking at your own government.

I’m not asking you po na tumanaw naman po kayo ng utang na loob sa gobyerno na ito na binigyan po ng karangalan ang paglilibing sa idol Ferdie ko, pero wow naman tumulong na lang po kayo. This government ignored every single political outcry of the media plus your yellow nemesis. Ang alam ko lang po sa oras na yun no political science was brought up by this government. It was a humanitarian act and respect to my idol, to your father and to the whole ilocandia. We should know and remember about these things as well.” banat ng aktor.

Naniniwala rin si Robin na kung kakampi talaga ng mga Marcos ang mga Duterte ay dapat suportado nila ang isa’t isa kahit anong mangyari.

Source: Robin Padilla

Leave a Reply

Theme by Anders Norén