Local News

“Ignorante ka!” Angelica Panganiban, Niresbakan ng DU30 Govt Official

Kahapon ay nagpasaring ang aktres na si Angelica Panganiban sa isang opisyal ng gobyerno na hindi nito pinangalanan. Sa kanyang social media post, bumoladas ang aktres kung ano na raw ang aksyon ng nasabing opisyal.

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino,” patutsada ni Panganiban.

Ang mga patutsada ni Panganiban ay hindi pinalampas ni Presidential Communication Operations Office Mon Cualoping. Tinawag nito na ignorante ang aktres.

“I don’t usually comment on starlets’ bandwagon statements but this deserves a strong rebuttal:
1. Uso pa pala ang pagiging ignorante ngayon? Ignorante ka, Angelica Panganiban Charlson.
2. Mahiya ka naman sa libu-libong trabahante ng Gobyerno na rumesponde sa unos ng #RollyPH.
3. Kung wala kang respeto kay Pangulong Duterte, wala na rin kaming respeto sayo.”
resbak ni Cualoping.

Nagbigay na rin ng reaksyon si Department of Transportation Assistant Secretary Hope Libiran sa nga kinuda ni Panganiban. Pinaalalahanan ng opisyal ng DOTr ang aktres na wala pang tulog ang katulad nilang nagsisilbi sa bayan. Payo pa ni Libiran, huwag maghilaan pababa.

“Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. 😅
Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA.
Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang.” buwelta ni Libiran.

Hindi rin nagpahuli ang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio at sinupalpal din ang aktres.

Source: Mon Cualoping | Archive | Angelica Panganiban | Asec. Goddes Hope Libiran | Atty. Ferdinand Topacio

Leave a Reply

Theme by Anders Norén