Local News

‘Ikaw Nagkalat, Ikaw ang Maglinis’ – Agot may Boladas sa Alok ni DU30 kay Leni!

Kanya-kanya ng reaksyon ang mga kaalyado ni Vice President Leni Robredo matapos itong hamunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang anti-drug campaign ng gobyerno sa loob ng anim na buwan.

Magugunita na inalok ni Pangulong Duterte ang bise presidente na maging drug czar matapos magsalita sa foreign media na dapat na daw itigil ang war on drugs dahil palpak naman umano.

“I can commit you there to be the drug czar. Maraming masyadong reklamo doon sa labas.. sige, sabihin niya lang, then you have to redirect your, or whatever. Ngayon mas marunong ka man sa akin, I’ll hand it to you, full powers sa drugs. I’ll give you six months. Tingnan natin kung kaya mo,” hamon ni Pangulong Duterte kay Leni.

Para kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan, dapat daw ay hindi anim na buwan ang ibigay na palugit kay Leni kundi tatlong taon.

“Bakit naman six months lang? Gawin na nilang three years at sigurado ako hindi na papalusutin ang tonetoneladang shabu sa BoC (Bureau of Customs), wala na ang araw-araw na patayan ng mahihirap nating mga kababayan habang mga ninja cops at sindikato ay binibigyan ng mataas na posisyon, pinalalaya dahil sa GCTA (Good Conduct TIme Allowance) o inaabswelto at sigurado na hindi na tayo walang imik at sunud-sunuran sa China… 3 years na nilang hawak ang law enforcement so dapat lang 3 years din ang ibigay na oras para fair!,” patutsada ni Kiko.

Banat naman ni opposition senatoriable Florin Hilbay, magbitiw na lang si Pangulong Duterte at isuko ang presidensiya nito.

“Why not just surrender the presidency by resigning? Subukan natin,” boladas ni Hilbay.

Sumali na rin sa pagbanat ang aktres at opposition supporter na si Agot Isidro. Boladas ni Isidro, hindi daw dapat patulan ni Leni ang alok ni Pangulong Duterte.

“Kung ako si VP Leni, ‘di ko ‘yan papatulan. Sasabihin ko lang… Ikaw ang nangako, ikaw ang nagkalat, ikaw ang maglinis,” banat ni Isidro.

Para kay Agot, hindi daw hahayaan ng Duterte Administration na magtagumpay si Leni.

“Because in all honesty, do you think they will let her succeed?” banat ni Sotto.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén