Local News

“Ikinayaman niyo ba yan?” Kim Chiu, may Mataray na Banat sa mga Bashers ng ABS-CBN!

Matapos magdesisyon ang National Telecommunication Commission (NTC) na pigilan ang ABS-CBN sa pag-ere, nakapanayam ng isang istasyon ang Presidente ng Federation of International Cable TV Association of the Philippines (FICTAP) na si Juliano Tamano. Ayon kay Tamano, inabuso daw ng ABS-CBN ang “one franchise, one channel” na ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno.

“Ginamit nila ang airwaves ng ABS-CBN na maraming channel, at naningil sila sa taong bayan na hindi sila dapat (TV Plus). Ang ABS-CBN, kapag gumamit ka ng airwaves, that is free to air. Hindi sila puwede maningil sa taong bayan,” sabi ni Tamano

Ang panayam kay Tamano ay ginagamit ng mga bashers ng ABS-CBN laban sa Kapamilya network.

Pero todo tanggol ang aktres na si Kim Chiu kontra sa mga sinabi ni FICTAP President Tamano. Tinawag din niya na mga trolls ang mga bumabatikos sa Kampamilya network.

“Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon… Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila. Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account!… Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!!ikinayaman nyo ba yan?!!! Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!! Oo hindi ako graduate ng LAW,” banat ni Chiu.

Ayon pa sa aktres, kung ano ang tinatamasa niya, ito ay dahil sa pagsisikap niya at sa tulong ng ABS-CBN

““Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!! nakilala nyo kami dahil napanood nyo kami sa ABSCBN! Hindi na kami dapat matakot sa inyo!!!Kailangan na natin magsalita at Ipaglaban ang tahanang nagbigay sa atin ng inspirasyon, ng ngiti sa labi at lumalaban ako ngayon dahil ito ang tahanang naglagay sa akin sa kung nasaan man ako ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa ABSCBN. #hindikamitatahimik #lalabanparasakatotohanan #notoabscbnshutdown,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Source: Inquirer | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: