Local News

Ikulong sa Pambabaeng Selda, sabi ng Aktibistang Bading!

Umaalma laban sa diskriminasyon ang isa sa mga miyembro ng LGBT community na inaresto ng otoridad dahil sa pagsasagawa ng rally noong (Hunyo 26).

Ayon sa tagapagsalita ng grupong Bahaghari na si Rey Valmores-Salinas, sinabihan daw siya ng mga pulis na lalaki siya kaya dapat siyang ipiit sa panlalaking selda. Pero kalaunan daw ay inilagak din siya sa piitan ng mga babae pero kailangan pa raw ng paliwanagan.

“I am a trans woman. So when the police designated our quarters, I experienced discrimination from the police officers who teased me about joining the other girls. They said outright that I am a male, I should be with the men, those kinds of comments and questions. In the end, we were able to convince them (to allow me with the girls), but that is not without any resistance,” sabi ni Salinas.

Magugunita na pinagtanggol pa ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang mga beki na nag-rally.

“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #pride rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested. If proper health guidelines were being followed, why the use of force? Why the withholding of rights? Videos circulating online confirm this,” boladas ni Gray.

Nilinaw naman ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang permit ang mga beki noong nagsagawa ng rally ang mga ito.

“Hindi naman tinatanggal iyan (free speech) pero ang sinasabi natin, always look at the public welfare. Tama lang ang ginawa ng mga pulis because number one, they don’t have a permit so why are they staging a rally? Second, there is no proper social distancing. Third, again there is a proper venue to raise this issue and not during COVID time,” resbak naman ni DILG Usec. Echiverri.

Source: Philstar | News5 | News5 | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: