Local News

‘Ikulong yan at Huwag Pakawalan’ Sen. Gatchalian, Binanatan si Francis Leo Marcos!

Kung may mga kababayan tayong nakisimpatya sa internet personality na si Norman Mangusin aka Francis Leo Marcos (FLM) dahil sa pagkaka-aresto nito, iba naman ang naging pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian kay FLM.

Magugunita na inaresto si FLM ng Natonal Bureau of Investigation (NBI) nitong ika-19 ng Mayo dahil kaso niyang paglabag sa optometry law. Bukod doon ay kinasuhan pa ito ng inciting to sedition at paglabag sa passport law.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Sen. Gatchalian na dapat ay huwag pakawalan ng NBI si Mangusin dahil marami na daw itong nabiktimang tao.

“Walang hiya talaga yan. Manloloko at sinungaling. Dapat ikulong na yan at huwag pakawalan. Maraming na loko yan,” sabi ng senador.

Inulit pa ng senador ang kanyang pahayg alban kay Marcos nang makausap nito ang isa sa mga kaibigan niya na si PDP Laban Executive Director Ron Munsayac.

“Walang hiya yan Boss Ron,” dagdag pa ng senador.

Ayon naman kay Munsayac, mga tao sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang nasa likod ni Mangusin.

“Sobra dami na scam nyan, boss Win! Pogo money din backer nyan! Dami ko narinig kwento about his various scams, kesyo may gold reserves pa daw sa Switzerland atbp,” ani Munsayac.

Si Mangusin ay dati nang pinaimbestigahan ni former first lady Imelda Marcos dahil daw sa paggamit sa pangalan ng pamilya Marcos para makapagbenta ng gold certificates.

“I have received continued disturbing reports about the above-mentioned persons using my name and my family’s name to collect unauthorized campaign donations, selling of fake gold certificates and using photographs and films/video coverage to associate themselves with me and my family for unauthorized and unscrupulous business practices… Mr. Francis Leo Marcos has claimed that he is the son of Dr. Pacifico Marcos, the brother of my late husband and that he has been chosen by the Marcos family as the custodian of alleged wealth which we are not in possession of; he uses my photographs on social media after a photo opportunities and has produced a film positioning him as a signatory to the world’s wealth; he targets wealthy Chinese businessmen who want to do business in the Philippines and attracts them thru charitable causes,” sabi ni Mrs. Marcos sa lihim nito sa NBI.

Source” Archive | Archive | InterAksyon | RJ Nieto

Leave a Reply

Theme by Anders Norén