Local News

Panoorin: “Ilabas mo!” Leni, Hinamon ni DU30 na Ilabas ang Natuklasan sa Drug War!

“She made an a**hole of herself”

Magugunita na matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson sa Inter-Agency Committee Against Illegal-Drugs (ICAD) ay tila nagbanta ito na ilalabas niya ang mga impormasyon na kanyang natuklasan.

“Kung sa tingin nila matatapos ito dito, hindi nila ako kilala. Nagsisimula pa lang ako… May interes ba tayong nabangga? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ng taumbayan? “ boladas ni Vice President Robredo noong matapos siyang masisante ni Pangulong Duterte bilang ICAD co-chair.

Ang mga pinagsasabi ni Robredo ay pinalagan ni Pangulong Duterte at ngayo’y hinamon ang bise presidente na ilabas ang mga natuklasan nito.

“Parang nagbabanta ka na may impormasyon ka. Ilabas mo! ‘Yung mga pahayag na mayroong mga ganoon, ‘Marami pa akong information,” resbak ni Pangulong Duterte.

Inisa-isa din ni Pangulong Duterte ang mga maling pinaggagagawa ni Robredo bilang ICAD co-chairperson na naging daan kung bakit ito sinibak sa ICAD.

“Laging nagsasalita. Ang ayaw ko doon, ang una niyang ginawa ay pumunta sa embahada ng Estados Unidos, United Nations at Eurpean Union. Kung ano-ano,” banat ng punong ehekutibo.

“Instead of talking to the law enforcement, instead of talking to the barangay captain, instead of talking to the people handling the drug rehabilitation, she made an a**hole of herself,” dagdag pa ni Presidente Duterte.

Diskumpiyado naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa sinabi ni Robredo na may natuklasan ito tungkol sa drug war. Banat ng tagapagsalita ng Presidente, dapat daw ay agad inilbas ng bise presidente ang ireguralidad kung may nakita ito.

“Kung meron kang natuklasanang hindi maganda, di ba dapat inilalabas mo na? Eh kung gagawa ka palang ng ‘di umanong natuklasan mo, it will really take time to craft,” sabi ni Secretary Panelo.

Source: News5 | GMA News | Daily Tribune | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: