Local News

‘Ilabas natin mga Kaldero at Pukpukin! Tutulan ang mga Nangyayari!’ Kiko, Inudyukan ang Publiko!

Habang nagsasalita kahapon si Pangulong ROdrigo Roa Duterte sa kanyang State of the Nation Address, inudyukan ni opposition senator Francis Pangilinan ang mga tao na mag-ingay sa social media para daw tutulan ang mga nangyayari sa bansa.

“May paraan na tutulan ang mga nangyayari, hindi tayo dapat magwawalang kibo, hindi tayo dapat manunuod lamang… Makialam tayo. Kahit online. Ilabas natin ’yung ating mga kaldero. Pukpukin natin tapos i-video natin. ’Yung mga millennial, i-upload natin sa social media ’yung ating pagtutol, ang ating pagkakalampag,” boladas ni Kiko.

Sa hiwalay niya pa na pahayag, sinabi ni Kiko na ang naging paksa daw sa SONA ni Pangulong Duterte ay patayan lamang.

“COVID, guton at walang trabaho ng milyun-milyon ang matinding problema, death penalty ang isinusulong. Walang ibang hangarin kundi pumatay. ‘Yan ang State of the Nation,” patutsada pa ni Kiko.

Magugunita na isa sa mga paksang tinalakay ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ay ang parusang kamatayan sa mga sangkot sa iligal na droga.

“I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty[applause]by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous [Drugs] Act of 2002. I did not hear so much clapping so I presume that[applause]they are not interested. Wala kang… Someday I‘ll tell you the story what happened to the Philippines.
Hindi ngayon. But when I‘m —sasabihin ko sa inyo ang totoo bakit nagkaganito ‘yung droga ng Pilipinas. Why the drug syndicates continue to operate just like the countries of Colombia, Mexico, and it is being played inside the national penitentiaries. Para tayong —talagang binababoy tayo. Sabihin ko sa inyo. But this is not a time for storytelling. SONA kasi ito so dito na lang.This law will not only help us deter criminality but also save our children from the dangers posed by illegal and dangerous drugs,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News | News5 | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: