Local News

Ilan Beses ba ako Kailangan Manalo? – Leni

Sa panayam sa media kahapon, sinabi ni Vice President Leni Robredo na walang “significant recovery” na naipakita sa preliminary recount report ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

“Tapos na ‘yung eleksyon, prinoclaim tayo ng Kongreso, ‘yung resulta nanggaling sa Comelec (Commission on Elections), prinoclaim tayo ng Kongreso, panalo tayo. Nagkaroon ng recount, panalo ulit tayo. So, ilang panalo pa ang kailangan para maniwala siya na hindi siya ‘yung nanalo?,” boladas ni Leni.

Kahapon at sa ikatlong pagkakataon, hindi nagbigay ng ruling ang PET sa protestang inihain ni former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Leni Robredo.

“The said case remains pending and is still being deliberated [on] by members of the tribunal,” sabi ni Atty. Brian Hosaka, Supreme Court public information chief.

Naniniwala naman si Leni na dapat nang i-dismiss ang reklamo ni Marcos.

“Ngayon ang gusto naman ni Marcos, magkaroon na naman ng recount in additional provinces sa ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao); if I am not mistaken, Lanao del Sur, Maguindanao and Basilan. Eh dapat sana, iyon na ‘yung pinili niya, ‘di ba?” banat pa ni Leni.

Alam niyo ba na noong 2016 elections ay nag landslide si Leni sa isang lugar sa Mindanao? Base sa mga numerong nakalap ng website ng COMELEC, zero ang lahat ng kandidato sa pagka-bise at si Leni ay nagkaroon ng 595 votes.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na na-frustrate siya nang ipagpaliban muli ng PET ang announcement pero susunod daw ang kampo nila sa direktiba ng korte. At nang natanong siya mga kung ramdam niya ba na “nanakaw” sa kanyang ang 6 na taon, “yes, definitely” ang naging sagot ni Marcos.

“By conducting the cheating in the election, they robbed the proper Vice President who won the election, myself, from the 3 years of service. Yes, I do” sabi ni Marcos.

Source: Manila Times | INQ | Rappler | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén