Local News

Ilang Estudyante, Ayaw Kilalanin ang Nagawa ni DU30 sa Benepisyong Tinatamasa nila!

Sa ilalim ng Duterte Administration, ilang mahahalagang benepisyo ang inilaan ng gobyerno para sa mga estudyante. Katulad na lang ng libreng matrikula para sa kolehiyo at diskuwento sa pamasahe sa mga iba’t-ibang uri ng transportasyon.

Pero may ilang mga estudyante na tila ayaw kilalanin ang nagawa ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi naman sa kanya galing ang batas pero nagke-credit lang siya sa mga senador nagpapatupad nito,” komento ng isang estudyante.

Para naman sa iba, ginagawa lang daw ito ng Presidente dahil mababa ang approval ratings na nakuha nito sa grupo ng mga kababayan natin na nasa edad 18 hangaang 24.

Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Hope Libiran, nauunawaan daw nila ang mga sentimiyento ng mga estudyante. Pero sana daw ay makita ng mga mag-aaral ang malasakit ng kasalukuyang pamahalaan para sa kanila.

“Ang mga estudyante kasi normal iyan na maging inquisitive at very idealistic. Pero itong mga libreng bagay na ibinabahagi sa kanila ng gobyerno nawa ay magsilbing eye-opener sa kanila. Kasi noong kabataan namin, wala naman ganyan eh. Tapos ngayong sobrang tindi ng malasakit at pagmamahal ang ipinapakita ng administrasyon na ito para sa kanila,” sabi ni DOTr Asec. Libiran.

Dahil sa naging komento ng ilang estudyante, hindi tuloy naiwasan ng ilang kababayan natin ang magbigay ng komento. Ayon sa ilang kababayan natin, sana man lang ay mapahalagahan man lang ng mga kabataan ang ginagawa sa kanila ng kasalukuyang gobyerno.

“These youths that are not totally satisfied with what our government did to them shows the kind of up bring they have at home. No little appreciation whatsoever,” sabi ni G. Florido.

“Youth, what kind of mentality you have. Just a little appreciation to our Government. After his term we don’t know if it will still be free. Be contented and happy,” sabi ni B. Abing.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén