Local News

Ilang Kapamilya Talents, Nagpapahawak daw sa Bading na ABS-CBN Boss para Sumikat ayon sa dating Radio Host Jobert Sucaldito!

Itong impisa ng linggo ay naglabas ang ABS-CBN singer Daryl Ong ng video upang linawin ang hindi na niya paglabas sa ABS-CBN.

Ayon kay Ong, tinanggal daw siya ng istasyon sa mga programa nito dahil sa pagkokomento niya sa franchise issue na kinakaharap ng kapamilya network. Paliwanag pa ni Ong, nadamay din daw si ang kapwa niya singer na si Bugoy Drilon kahit hindi naman ito nagkomento sa franchise issue.

Nagpahayag naman ng simpatiya ang dating DZMM host na si Jober Sucaldito sa sinapit ni Ong at ni Drilon.

Sa kanyang social media post, inilahad ni Sucaldito ang baho ng ilang boss sa ABS-CBN.

“napanood ko ang video ni Daryl Ong regarding sa pagtanggal sa kaniya ng ABS-CBN na may tagline na “in the service of the Filipino” and refers to everyone who works there as Kapamilya and medyo nalungkot ako. naramdaman ko ang nangyari sa kaniya dahil ganoon din halos ang nangyari sa akin, kasama ang ilan pang mga nawala na sa tinatawag nating Kapamilya network. in fairness kay Daryl, he explained himself very vividly and decently pero dama mo ang pain sa kaniyang puso. but of course, this didn’t stop him from thanking everyone who, in one way or another, has helped him boost his career while he was still connected with them.

masyadong mababaw ang karamihan sa mga dahilan ng ABS-CBN sa pagtanggal ng marami nilang trabahador. imagine, yung isang simpleng kuwentuhan lang with friends (Bugoy and company) would lead sa pagkasibak nila sa network without even giving them the chance to air their side of the story. ganyan ka-feeling ang mga tao sa loob ng istasyon – mga diyos ang turing nila sa mga sarili nila – iyan ang mga anay sa loob. napakayayabang – napaka-walanghiya ng ilang mga boss diyan sa ABS-CBN. mga WALANG PUSO ang ilan diyan. kailangang himurin mo ang mga puwet nila para mapanatili ka sa loob lalo pa’t hindi ka nila kaalyado. nakakadiri ang ilang tao diyan sa loob. you should have seen how they throw their weights around. mapapapunyeta ka talaga. nakakagigil sila kung minsan. feeling kasi nila forever silang nasa itaas. puwes, magkasubukan tayo. pagbabayaran niyo lahat itong pang-aapi ninyo sa aming maliliit. daming sipsip kasi diyan – tulad na lang nung tinutukoy ni Daryl na nag-record ng conversation nila na nagsumbong sa mga boss ng ABS-CBN – I hope by the time na mabigyan ng prangkisa ang Dos ay gawin siya agad na Vice President. ang kapal, di ba? hindi man lang niya inalintana ang katayuan nina Daryl and Bugoy na kailangan din ng trabaho para ibuhay sa mga pamilya nila. mabait lang iyang istasyon na iyan sa mga sipsip sa kanila pero pag di ka nila feel, gagawa at gagawa ang mga iyan ng paraan para tsugiin ka. iyan ang tunay na essence ng KAPAMILYA. mga walang puso at walang budhi!!!!!

iyan ba ang pinaglalaban ninyong istasyon – ang masyadong marahas sa kanilang mga desisyon sa mga pobre? IN THE SERVICE OF THE FILIPINO? huwag niyo kaming ululin! isang malaking katarantaduhan ang tagline na iyan. sarap pangalanan ang mga naghahari-harian sa loob. sarap pagsasampalin. puwes, namnamin ninyo ang KARMA na kinakaharap at haharapin pa ninyo in the future. sabi nga nila “when you’re up there’s no way but down”. ang tayog kasi ng lipad ng mga nakaupo diyan – feeling forever sila sa power. ilan lang ba and malinis sa loob ng istasyon na iyan? pakikiapid kung kani-kanino. daming internal scandals kaya diyan. kaniya-kaniya silang diskarte. sabi sa inyo, may mafia sa loob ng istasyon na iyan eh. may iba kaming nakausap na mga male artists na sobra ang sama ng loob sa mga naging takbo ng career nila sa loob ng istasyon. may nagsasabing kaya di umuusad ang mga careers nila dahil hindi sila pumapayag na magpahawak sa malalagim na kamay ng ilang baklang malalakas sa loob. to get good breaks, yung iba ay napipilitang pumatol. huwag na tayong magmaang-maangan darlings. huwag kayong magmalinis dahil it’s an open-secret sa loob ng network iyan . super-dirty ang ibang sistema sa loob!!!!” paglalahad ni Sucaldito.

Source: Sucaldito Jobert | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: