Local News

Panoorin: “Ilang Media, Umamin na Umaagos ang Pera upang Siraan ang SEA Games” – House Speaker Cayetano

Rumesbak ngayong araw si House Speaker Alan Peter Cayetano sa ilang media na naglabas ng mga pekeng balita laban sa Southeast Asian (SEA) Games.

Pagbubunyag pa ng kongresista, malaking salapi raw ang ginamit para dungisan ang SEA Games.

“Even ilan sa mga media, umamin na sa amin na may umaagos na pera para siraan ang SEA Games. I don’t know [how much] because these were just told to me by close friends and they told me, buti na lang walang tumatanggap kasi for the country ito,” banat ni Cayetano.

Nagbigay din si Cayetano ng mga halimbawa ng mga balita mula sa mainstream media na kalaunan ay lumabas na peke pala.

“Has any of these sites I’m talking about come out with the explanation of Century Park or of the hotel kung saan nila sinabi yung kikiam, hindi. Because they want to perpetuate the lie,” birada pa ni Cayetano.

Nagbanta na rin ang mamababatas na ilalantad niya ang mga ito at tinitiyak daw niya na handa din siya sa anumang imbestigasyon.

“Basta’t handa ako sa imbestigation after the SEA Games. Humanda din kayo sa imbestigasyon kasi ia-unmask ko rin kayo… I-expose ko lang sila. Pabayaan ko na ang Pilipino na buweltahan sila,” ani Cayetano.

“Yung mga nag-violate ng law na umabot sa libel and cyberlibel, yes. It’s the obligation,” dagdag pa ni House Speaker.

Ilan sa mga lumabas na peke balita ay ang isyu tungkol sa paghahain ng kikiam sa mga atleta. Kahapon ay nagsalita na ang SEA Games partner na Whitewood Hotel at nilinaw na chicken sausage ang inihain sa mga manlalaro.

Nariyan din ang ulat ng Inquirer kung saan pinalabas na ang BiƱan Stadium ay under-renovation pero lumitaw na ang litratong ginamit ng media outfit ay ang larawan ng University of the Philippines Football Stadium.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: