Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Ilang OFWs sa Qatar, Handang Tumulong sa Subway Project ng Pinas at Iwan ang Malaking Sweldo sa Ibayong Dagat!

Kamakailan lang ay ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) at ng blogger na si Mark Lopez ang larawan ng cutter head na gagamitin ng Tunnel Boring Machines sa paghuhukay para sa Metro Manila Subway project ng gobyerno. Umani ito ng mga positibong reaksyon mula sa ilang kababayan natin.

Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon tungkol sa subway project ng gobyerno ay mga Overseas Filipino Workers na sina Deo Miranda, Israel Banwa Aplod, at YeYe Banaag na nagta-trabaho sa subway project sa ibayong dagat. Ayon sa mga kababayan natin na tinaguriang “bagong bayani”, gusto nilang makatulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang serbisyo sa proyekto ng gobyerno.

Basahin ang kanilang komento sa social media post ni Lopez.

Ito naman po ang ilang litrato nila habang nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Ang pagnanais ng mga kababayan nating OFWs na makatulong sa gobyerno ay nakarating sa kaalaman ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran. Isa sa hinangaan ng opisyal ng DOTr ay ang kahandaan ng mga OFWs na tumulong sa bansa kahit na iwan ang malaking kinikita nila sa abroad. Dahil dito muntik na raw siyang maluha sa kaligayahan.

“A good friend of mine, Mark Lopez, added me to a Facebook group chat with OFWs who desire to help build the Metro Manila Subway. Noong nabasa ko ang ilan sa kanilang mga mensahe, parang gusto kong maiyak. Walang mapaglagyan ang kaligayahan at paghanga sa aking puso. Doon ko napatunayang napakarami sa ating mga kababayang OFWs ang handang ialay ang kanilang mga talino, galing at kakayahan para makatulong sa inang bayan. Naramdaman kong marami sa kanila ang handang umuwi, makatulong lang sa para sa ating kaunlaran. Pagmamahal sa bansa higit sa salapi— Pilipinas bago ang ibang bayan. ‘Yan ang BAYANIHAN. Kay sarap maging Pilipino,” sabi ni DOTr Assistant Secretary Libiran.

Source: DOTr | Mark Lopez | DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran

Leave a Reply

Theme by Anders Norén