Local News

Ilang PDP-Laban Members, Sumuporta sa Petition para Patakbuhin si DU30 bilang VP!

Nagtipon-tipon ang ilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban (PDP-Laban) sa Pangasinan upang pimirma ng petisyon para udyukan si Pangulong Rodrigo Roa DUterte na tumakbo bilang bise presidente sa darating na 2022 elections.

Ayon kay PDP-Laban Deputy Secretary General na si Atty. Melvin Matibag, sumama rin sa pagtitipon ang ibang partido tulad ng NPC, NP at NUP.

Magugunita na nitong umpisa ng Marso ay umalma si Senador Manny Pacquiao resolusyon inlabas ng ilang PDP-Laban member na naghihikayat kay Pangulong Duterte na tumakbo bilang vice president sa 2022.

Ayon kay Pacquiao, hindi lehitimo ang resolusyon. Hindi din daw dapat namumulitika sa panahon ng pandemiya. Pinagbintangan din ni Pacquiao ang isa sa gabinete ni Pangulong Duterte na pasimuno umano ng resolusyon.

“Hindi legitimate ‘yung resolution na ginawa. Nalaman ko lang ‘yun dahil sinabi sa’kin ng tao ko… Hindi ko alam ‘yun. Hindi ‘yun sanctioned as acting president ng partido… Aaksyunan namin ‘yang mga ganiyan na hindi sumusunod sa partido… Si Cusi, hindi ako nakikipag-away sa iyo pero hindi ako ang pwede mo lang laruin… Kung umiikot ka, pulitika pinag-uusapan mo, ‘wag mong lasunin ang mga utak ng mga miyembro ng partido para magkahiwa-hiwalay. Warning lang ito,,” boladas ni Pacquiao.

Matapos sabihin ni Pacquiao na huwag mamulitika sa panahon ng pandemiya, naglabasan naman ang ilang litrato kung saan makikita ang mga poster na may nakasulat na “Manny Pacquiao 2022 President”. Lumitaw din ang music video kung saan pinalalabas na si Pacquiao ang kasagutan sa paghihirap ng mga Pilipino.

Source: PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén