Local News

“Ililibing ko kayo! Huwag Kayong Mag-Riot sa COVID-19 Crisis” PDU30, Nagbanta sa mga Leftists!

Sa kanyang mensahe sa publiko, nagbanta si Pangulong Duterte sa mga makakaliwa na gumagamit sa krisis sa kalusugan para makapanggulo. Sinabi ito ni Pangulong Duterte, matapos mag-rally ang ilang grupo sa Quezon City sa kabila nang may ipinapatupad na community quarantine.

“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation… Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.” resbak ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, hindi siya magdadalawang-isip na gamitan ng dahas ang mga ito.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” ani Pangulong Duterte.

Nanawagan din si Pangulong Duterte sa publiko na maging mahinahon dahil daratin ang tulong ng gobyerno sa kanila.

“Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo para smooth… Magtiis na lang siguro kayo ng delayed delivery pero dadating ‘yan at hindi ka magugutom. Hindi ka mamamatay sa gutom,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

Source: PCOO | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: