Local News

“I’ll Order na Pasukin Ka!” Binantaan ni DU30 ang mga Nagbebenta ng Overpriced na N95 Mask!

Kahapon ay naging laman ng ilang ulat ang pagbebenta ng overpriced N95 mask ng ilang negosyante sa gitna ng kalamidad.

Ayon sa ilang ulat, ang presyo umano ng nasabing maskara ay umaabot lang daw ng P20 hanggang P30 pero noong nag-alburoto ang Bulkang Taal at bumuga ng delikadong vulcanic ash ay sinamantala daw ng ilang negosyante ang pagkakataon at ibinebenta na ang maskara ng P200.

Sa panayam ng media kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nagbabala ang Presidente sa negosyanteng nagtatago ng supply ng masakara para tumaas ang presyo.

“I am not surprised. Kasi itong mga negosyenteng, if the demand is high then magkakaroon tayo ng medyo magulang then the prices will go up, or the worse thing they can do, if they have enough supplies and selling it to prohibitive prices already… Mura naman ‘yan. Do not hoard it. ‘Pag tinago niyo then I will be forced to order na pasukin ka,” babala ni Pangulong Duterte.

Nagbigay na rin ng direktiba ang Pangulong Duterte sa Department of Health (DOH) na magbigay ng libreng N95 mask.

“Duterte has instructed government agencies to ensure that those affected by the eruption will be given assistance. He has also ordered the DOH to provide face masks especially to those who are in the affected areas,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar.

Ipinaalala din ng gobyerno na hahabulin at pananagutin ang mga taong nananamantala sa kalamidad.

“Penalties will be imposed to the fullest extent of the law for those who do not follow. This applies as well to the pricing of manufactured basic necessities and prime commodities,” dagdag pa ni Andanar.

Source: News5 | Politiko | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén