Local News

‘I’m considering seriously CUTTING diplomatic ties with Iceland’ – Pres. Duterte

“Siya nga pala. I want to vent my ire on Iceland,”

Ganito umano ang gustong iparating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“Tell the public I’m considering seriously cutting diplomatic ties with Iceland,” sabi umano ni Pangulong DUterte, ayon kay Panelo.

Magugunita na ang bansang Iceland ang nagsulong ng resolusyon sa United Nation Human RIghts Cuncil (UNHRC) para imbestigahan ang kampanya ng gobyerno ng Pilipinas laban sa bawal na gamot. Sa resolusyon na sinulong ng Iceland, 18 bansa ang bumuto pabor dito. 14 na bansa naman ang hindi sumang-ayon (kasama ang Tsina) at 15 ang hindi bumoto o nag-abstain (kasama ang Japan).

Matatandaang na sa talumpati niya sa 28th anniversary of the Bureau of Jail Management and Penology ay binanatan na rin ni Pangulong Duterte ang Iceland.

“Ano ang problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problem. You have too much ice and there is no clear day or night there. Parang alas kwatro ng hapon ang araw pati gabi… So you can understand why there is no crime, there is no policemen either and they just go about eating ice… Hindi maintindihan nitong mga p— inang ‘to na may problema tayo,” banat ng Pangulo.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na pinag-isipan niya ang pagputol ng ugnayan ng ating bansa at ng Iceland.

“No embassy in Iceland. Nor does Iceland have an embassy here. Iceland took the place of the US after it withdrew from the Human Rights Council. I think we need to follow America more,” buwelta ni DFA Secretary Locsin.

Para naman kay Senadora Imee Marcos, dapat daw madaliin na ng Pilipinas ang pagputol nito ng ugnayan sa banyagang bansa.

“A strong statement is in order that the values and political agenda of other countries, many of them developed countries like Iceland, cannot be imposed on an independent country like the Philippines,” sabi ni Senadora Marcos sa isang pahayag.

Source: GMA News | ABS-CBN | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén