Local News

Impeachment Laban kay DU30, Handang I-Endorso ng Congressmen ng Makabayan Bloc!

Ayon kay ACT Teachers partylist Representatinve Antonio Tinio, handa daw ang makakaliwang Makabayan bloc na i-endorso ang impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagpayag ng Presidente na makapasok ang mga mangingisdang Intsik sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Kung may mamamayan na magpa-file ng impeachment complaint at malinaw ang batayan, definitely we are ready to endorse [the complaint],” sabi ni Tinio.

Naniniwala si Tinio na paglabag sa konstitusyon ang pahayag ni Pangulong Duterte at pwede itong maging basehan ng impeachment.

“Malinaw na pag-amin ni Pangulong Duterte ‘yun na ‘yung foreign policy na siya ang tanging tagapagtakda, ‘yung foreign policy ng kanyang administration ay direktang lumalabag sa isang malinaw na probisyon ng Konstitusyon, so [it’s] impeachable,” ani Tinio.

Para kay Tinio, dapat tumiyempo ng tamang pagkakaton sa paghahain ng impeachment.

“Kailangang humanap ng tamang panahon, at isang tamang factor diyan, ‘yung public opinion,” dagdag pa ni Tinio.

Source: Inquirer | ANC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén