Local News

‘Ina ni Grace Poe Nagtatrabaho sa ABS-CBN Pero Siya ang Mamumuno sa Hearing?’ – Ex-Presidential Spokesperson Roque

Kasado na sa Pebrero 24 (bukas) ang hearing para sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN. At ang naturang pagdinig sa senado ay pamumunuan ni Senadora Grace Poe.

Ito ay pinalagan ni former presidential spokesperson Harry Roque. Ayon kay Roque, conflict of interest ang mangyayari dahil ang ina ni Poe ay nagtatrabaho sa nasabing media network. Si Susan Roces na adoptive mother ni Senadora Poe ay bahagi ng programang “Ang Probinsyano”.

Inungkat din ni Attorney Roque ang pagbili ng ABS-CBN sa library ni Fernando Poe Jr. P (FPJ), ang adoptive Father naman ni Senadora Grace.

“Ang sa akin, bakit naman pamumunuan ni Senator Grace Poe itong pagdinig na ito, samantalang mayroon siyang conflict of interest? Ang nanay niya nagtatrabaho sa ABS-CBN, yung library ng tatay niya na si FPJ ay binili at pagmamay-ari ngayon ng ABS-CBN,” banat ni Attorney Roque.

Ayon pa kay Atorney Roque, labag pa sa batas ang gagawin ng senado dahil dapat muna magmula sa kongreso ang pagdinig sa mga panukalang batas na may kaugnayan sa mga franchise bill.

“Ang sa akin, bagamat ikaw ay halal na senadora, mataas na opisyales kuno, ikaw yung magpapakita na mataas ang iyong ethical standards,” ani Roque.

Ang prangkisa ng Kapamilya network ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin matapos maghain si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema para ibasura ito. Ayon sa opisina ni SolGen Calida, may mga pang-aabuso at paglabag silang natuklasan na ginagawa umano ng ABS-CBN.

Habang sa mababang kapulungan ng kongreso ay may higit sampung panukalang batas para sa pagpapalawig ng prangkisa ng media giant. Sa kasalukuyan, wala pag nakatakdang pagdinig para sa mga ito.

Magugunita naman na sinabi noon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hahadlangan niya ang franchise renewal ng kumpanya. Ilan sa mga rason ng Presidente ay ang hindi pagpapalabas ng ABS-CBN ng kanyang campaign ads noong 2016 elections kahit na tinanggap daw ng media company ang kanyang bayad.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: