Local News

Inabandona ng Kapwa Pilipino ang mga Mangingisda – Binay

Para kay Senadora Nancy Binay, dalawang beses umano inabandona ang 22 Pilipinong Mangingisda na sakay ng bangkang nabangga ng Chinese vessel sa West Philippine Sea. Ang unang umabandona daw ay mga Intsik at ang ikalawa ay ang kapwa Pilipino. Hindi daw kasi nabigyan ng “considerable attention” ang mga mangingisda.

Ang pahayag na ito ay inilabas ni Binay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang “little maritime accident” ang nangyari sa Reed bank. Ayon pa kay Binay, ipnakita lang daw kung paano pangalagaan ng bansa ang sarili nitong mamamayan.

“Kung tatanggapin na lang natin itong isang aksidente, we just showed the world how we take care of our people,” boladas ni Binay.

Magugunitang sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na naghain na siya ng diplomatic protest kaugnay sa insidente.

“I fired off a diplomatic protest yesterday (Wednesday, June 12). The Maritime Safety Committee of the IMO (International Maritime Organization) is it,” sabi ni Locsin sa kanyang social media post.

Kahapon ay binigyan ng tulong ng gobyerno ang mga Pilipinong mangingisdang nabiktima ng banggaan sa dagat. Nakatanggap ang mga ito ng mga fiber glass fishing boats, diesel engines, life vest at iba.

Source: Inquirer | News5 | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén