Local News

Inamin ni Casiño na NPA Recruitment Ground ang Legal Fronts! – Senate President Sotto

Para kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, mahirap pasinungalingan ang mga pahayag ng gma dating New People’s Army (NPA) na tumestigo kahapoin sa senate hearing.

Dismayado din si Sotto sa binigay niyang pagkakataon kay former Bayan Muna Congressman Teddy Casiño na sagutin ang mga akusasyong ipinupukol kay nce to answer the allegation versus Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Joma Sison. Imbes daw kasi na itatwa ang mga alegasyon ay inamin pa raw ng dating mambabatas na recruitment ground nga ng NPA ang mga legal fronts. Naniniwala na ngayon si Sotto na nararapat lang na babalaan ang mga kabataan sa pagsali sa mga legal fronts ng mga makakaliwa.

“It’s very difficult to dispute the statements and documents presented by the former rebels… I gave former congressman Teddy a chance to answer the allegation versus Joma Sison and the legal fronts but instead he said it’s the recruitment ground of the CPP/NPA. Therefore, it is correct to warn the youth in joining such groups,” sabi ni Senate President Sotto.

Magugunita na sa kaniyang pagsalang kahapon sa senado ay sinabi ni Casiño na hindi nila itinuturing na kalaban ang mga NPA.

“Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago… Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan… Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks…Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema,” kuda ni Casiño.

Halos parehas din ang tono ng boladas ni Bayan Muna Congressman Carlos Zarate sa naging pahayag ni Casiño.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: