Local News

Inamin ni DU30 na Mala-Anghel ang Pagmumukha Ko – Leni

Sa isang panayam, sinabi ni Vice President Leni Robredo na hindi daw siya bababa sa antas ng tirada ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Boladas pa ni Leni, inamin daw ng Presidente at malang-anghel ang kaniyang pagmumukha!

“Silver lining, at least in-admit niya na angelic face tayo… Pero ayoko mag-stoop down as ganoong level of discussion. Karapatan niya sabihin kung anong nasa isip niya, pero para sa akin, unbecoming ‘yun… Hindi mahalaga iyong mga sinabi niya. Hindi na nga ako nasasaktan. Nalulungkot siguro, nalulungkot na yung mga discussions na kailangan sana ay mataas, yung discussion tungkol sa policies, kailangan sana maayos pero ibinababa sa level na bastusan…” boladas ni Leni.

Magugunita na binuweltahan ni Pangulong Duterte ang palagiang pagpuna ni Robredo sa programa ng gobyerno kontra pandemiya.

“You have a very — you seem to have an angel face but a devilish mind. Marunong kang mag-ano. Iyang pagduda mo kasi tapos na ako kaya you want me to go into a trap of saying things which are not appropriate… Ikaw, sige ka ng salita diyan. Wala ka namang ginagawa. Sige ka issue-issue ng statement. You know [why]? Because you want to be relevant here. Gusto mo sumali sa laro na para pakinggan ka rin… Kung marunong kang makinig, walang bkuna ngayon available either hingin mo o nakawin o bayaran mo, not only the Philippines… Ngayon kung gusto mo talaga para mahinto ka, kuha mo yung basket mo mamalengke ka sa labas ng bkuna, bigyan kita pera para kung may mabili ka bilhin mo na kagad at umuwi ka dito sa Pilipinas… Sabi niya (VP Robredo) mauna ako … masyado kang apurado… Pagduda mo kasi tapos na ako, kaya you want me to go to a trap to saying things which are not appropriate… Kung gusto ko kapag nag injection ako nandiyan ka sa Malacanang,,” resbak ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén