Local News

Incoming Senator Bato dapat Imbestigahan ng ICC, Banat ng Human Rights Group!

Hindi pa man nakakaupo bilang senador si ex-Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ay binabanatan na siya ng human rights group na Human Rights Watch (HRW). Ayon sa HRW, dapat imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) si Bato dahil sa naging partisipasyon daw nito sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Dela Rosa may still have a date with justice… “However one views the election results, it won’t change the fact that victorious candidates implicated in ‘drug war’ crimes shouldn’t receive a get-out-of-jail-free card… The Duterte government has shown it won’t carry out necessary investigations, but the International Criminal Court (ICC) could,” sabi ni Carlos Conde, Asia Division Researcher ng HRW.

Para kay Conde, kahit kumalas na ang ating bansa sa ICC ay maaari pa rin daw nito imbestigahan ang mga umano’y “crimes against humanity” na nangyari habang si Bato ay pinuno ng PNP.

“Now that Dela Rosa is a policymaker, there is renewed urgency in bringing all those responsible for ‘drug war’ crimes to justice,” boladas pa ni Conde.

Sa pinakahuling official at partial tally ng National Board of Canvassers, pumalo na sa 14,529,585 ang nabilang na boto para kay Bato.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinagsasabi ng Human rights group.

“Hindi pa nakakaupo si Bato eh binabato na….this is obviously a crab mentality of a typical filipino….tsk…tsk….kaya wala tayong asenso sa buhay dahil sa pag-uugali na yan na minana natin sa mga kastila,” sabi ni C. Pabia.

“Lahat gagawin kasi di matanggap ang naging desisyon ng mga “bobotante” na tinatawag nila. Haguy Pilipinas, di ka talaga uunlad, sa dami ng mga talangka na naka abang humila sayo pababa,” sabi ni D. Bioc.

“Wahahaha ampalaya tlga tong mga dilawan kaya walang lumusot sa kandidato nyo ganyan pag uugali nyo,” sabi ni J. Fajutnao.

Source: GMA | FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén