Local News

‘Sino ka?… Pag-aralan mo ang Ibubuka ng Bibig mo!’ Leni, Naboljak ni PAO Chief Acosta!

Hindi nagustuhan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta ang naging patutsada ni Vice President Leni Robredo tungkol sa isyu sa Dengvaxia. Sa isang press conference, binuweltahan ni Acosta si Robredo at ipinaalala sa bise presidente na nanggaling ito sa PAO na ngayon ay niyuyurakan daw nito.

“VP Leni Robredo, nanahimik kami dito, ang mga ka-alyado mo ang maingay… Bakit mo kami ang bababantan? Galing ka dito sa PAO ah. Isang taon ka dito more or less ah, sa Naga. Kinandili ka ng public attorney office noong bago kang abogado, hindi ka nga lang nagtagal. Sino ka para magsabi na maingay at iresponsable sa dengavaxia? Masakit iyang ginagawa mo. Noong nangangampanya ka, sa background mo naka-flagship pa ang PAO. Ano ang makikita namin sayo? Ano ang makikita ng taumbayan sayo?… May mga distrito ako na sumuporta sa iyo dahil alan na dati ka sa PAO tapos ikaw mismo ang yuyurak sa PAO… Papatihimikin ko ‘yung 159 na FB ng FB para humihingi ng hustisya?… Pati ‘yung ibang bumoto sa iyo biktima rin ng dengvaxia. Kaya minsan nababatikos ka eh, pag-aralan mo muna ibubuka ng bibig mo,” resbak ni Acosta.

Magugunita na sa kaniyang programa sa radyo ay nakisawsaw si Robredo sa isyu ng dengvaxia at sinabing iresponsable ang naging ingay tungkol sa nasabing bakuna.

“Hindi naman masamang mag-ingay, pero iyong pag-iingay, irresponsible. Parang iniimpluwensiyahan mo iyong pag-isip ng tao na iyong pagdesisyon niya maging mali, iyon iyong masama… Ang nakakalungkot dito, buhay iyong nakataya eh… Nakita natin noong grabe yung ingay sa Dengvaxia, apektado iyong lahat ng sakit na dapat wala na sana sa atin. Iyong polio, na-eradicate na pero dahil ayaw ng mga taong magpabakuna, bumalik ulit,” boladas ni Robredo.

Ang pondo para sa PAO forensic lab ay nanganganib dahil sa isiningit na provision nina Senador Frank Drilon at Sonny Angara sa 2021 budget.

Source: Bulgar | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén