Local News

‘Inimbestigahan pero Tinigil nung kay Lopez na!’ Kongreso, Pinasaringan ni PDU30!

Hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ginawa ng kongreso tungkol sa imbestigasyon sa dumanoy condoned loan ng ABS-CBN sa Development Bank of the Philippines (DBP).

“Ngayon, unless it is cleared, I think Congress, I understand, started an investigation but stopped noong dumating na sila dito kay Lopez.

There were so many investigations about banking except that pagdating kila — sa kila Lopez, huminto sila. So nagkakaroon tayo ng problema diyan. Dumating sa akin ito in official capacity. Ang magawa ko lang nito is I think I’ll pass it on to the Ombudsman. Para sa akin ang Ombudsman ang pinaka- independent body na mag-solve nito.” banat ni Pangulong Duterte.

Nanindigan din ang Presidente na hindi niya papayagan na makapagsagawa muli ng operasyon ang ABS-CBN kahit na bigyan pa ito ng prangkisa ng kongreso.

“ow ito ngayon sa last. Itong nangyari sa itong mga Lopez of Companies. Ang Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. But if you say that if they can operate kung may — may ano na sila, no, I will not allow them.

I will not allow the NTC to grant them the permit to operate. Kung ibigay ninyo ‘yung franchise because it is within your power to do it, go ahead. Alam mo bakit? Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will not — I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan,” banat pa ng Presidente.

Magugunita na nitong umpisa ng 2021 ay naghain ng mga panukalang batas sina Senate President Tito Sotto at Congressman Vilma Santos para mabigyan muli ng prangkisa ang Kapamilya network. Isinusulong din ni Congressman Lito Atienza ang pagpapanumbalik ng ABS-CBN sa himpapawid.

Source: PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén