Local News

‘Inquirer, Put*ng Ina Kayo! Mas Masahol pa kayo sa P*ta’ – DU30

Sa kanyang talumpati sa earthquake-affected evacuees ng Cotabato sa M’lang National High School sa Municipality ng M’lang, Cotabato, pinatikman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng banat ang media outfit na Inquirer. Ayon sa Pangulo, ang naturang pahayagan daw ay binabayaran ng mga oligarchs para maging bibig.

Ikinumpara din ni Pangulong Duterte ang pahayagan sa isang kalapating mababa ang lipad (bayarang babae).

“Mga Put*** ina kayo Inquirer. Wala kayong imik kasi kayo ang mouthpiece ng mga oligarchs sa Pilipinas. Kayong mga Put*** ina diyan sa Inquirer, binabayaran kayo. Your are no better than a prostitute,” banat ni Pangulong DUterte

Sa parehas na talumpati ay pinatutsadahan din ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN at muling binanatan ang malapit ng mapasong prangkisa ng network giant sa Marso sa susunod na taon. Ayon sa Pangulo, mas mainam daw na ibenta na lang ng mga may-ari ng ABS-CBN ang kumpanya.

“Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo, mag-renew kayo, ewan ko lang kung mangyari. Ako pa sa’yo, Ipagbili niyo na ‘yan. kasi ang Pilipino, ngayon lang makakaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remeber this episode of our times forever,” sabi ni Pangulong Duterte.

Binanatan din muli ni Pangulong Duterte ang gma may-ari ng water companies na inakusahan niya na sangkot sa tagilid na kontrata. Ayon sa Pagulo, sangkot daw ang mga ito sa syndicated estafa at corruption.

“‘Yung nagtatanong kayo, saan ‘yung big fish? Saan ‘yung mga corruption, saan ‘yung malalaki? O, i-deliver ko na sa inyo ngayon. Si Ayala pati si Pangilinan… ‘Pag nagkamali ‘yang gagong ‘yan, ipapakulong ko talaga sila. Kita mo maski anong insulto ko, hindi na sumasagot. Sigurado swak sila. Syndicated estafa… Kapag hawakan mo ‘yung Anti-Graft and Corrupt Practices Law tapos ‘yung kontrata nila, all the provisions of the Anti-Graft Law can be found in the contract” buwelta pa ni Pangulong Duterte.

Source: PCOO via Ang Malayang Pilipino | Presidential Communications

Leave a Reply

Theme by Anders Norén