Local News

Insecure at Takot ang DU30 Administration! Anak ni Kiko, Nakisawsaw sa ‘Pag Protekta ng DU30 Govt sa mga Estudyante Laban sa NPA!

Kahapon ay inanunsiyo na ang pagbasura ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nila sa University of the Philippines (UP) ukol sa pagpigil sa mga pwersa ng gobyerno na makapasok sa unibersidad ng walang pahintulot ng pamunuan ng eskwelahan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagiging breeding ground daw ng mga rebeldeng komunista ang nasabing institusyon.

“The agreement has become obsolete… University of the Philippines has become the breeding ground of intransigent individuals and groups whose extremist beliefs have inveigled students to join their ranks to fight against the government…The Department of National Defense will neither renege nor shirk on its duty to protect the rights of the majority,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ang isyu na ito ay agad naman sinakyan ng anak ni opposition senator Kiko Panglinan . Boladas ni Frankie, natatakot na daw ang kasalukuyang administration.

“red-tagging students just proves how insecure and threatened this administration has become. protect our students. defend our rights. be brave… this sort of unprovoked desperation from the establishment only proves that change IS possible, and likely very close — continue to speak out and fight for what’s right. we stand with you,” patutsada pa ni Kakie.

Ang kuda na ito ni Kakie ay haos parehas sa tono sa boladas ng kaniyang ama.

“Tinutulan natin ang panghihimasok ng diktador noon. UP is a citadel of freedom and democracy. No to the unilateral and arbitrary termination of the Enrile-Soto Accord. Pakiusap lang. Please don’t mess with UP.” putak ni Sen. Kiko.

Source: Kakie Pangilinan | Kiko Pangilinan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén