Local News

Mga Artistang Manhid, Tinitignan lang ang Kapakanan nila – Manila Bulletin Writer

Binanatan ni Manila Bulletin lifestyle writer Krizette Laureta Chu ang mga artistang nananawagan ng signature campaign upang i-renew ang legislative franchise ng ABS-CBN.

“SIGNATURE CAMPAIGN HEADED BY INSENSITIVE ARTISTAS WHO ARE ONLY LOOKING OUT FOR THEMSELVES,” banat ni Chu.

“Are these celebrities asking us to look the other way? Hindi ba unfair sa ordinaryong mamamayan na nagbabayad ng tax na yung ganyang kalaking network hindi nagbabayad ng tama?” sabi pa ni Chu sa hiwalay na social media post.

Paliwanag ni Chu, gustong niyang manatili ang operasyon ng ABS-CBN hindi para sa mga artista at executive nito kundi para sa mga maliliit nitong mga empleyado.

“I would LOVE for ABS CBN to stay open. Not because of all these entitled executives and out of touch celebrities (not all, to be fair), but I would LOVE for the little employees to continue having jobs, and I WOULD LOVE for the DOLE to step in and demand that ABS CBN PAY and EMPLOY their workers right. Kung ilang taon na nag tratrabaho sa inyo, I regularize nyo naman para may benepisyo din yung tao especially if magkakasakit,” sabi ni Chu.

Iginiit din ng writer na dapat bayaran muna ng ABS-CBN ang obligasyon nito sa gobyerno.

Sa Marso 30, 2020 ay nanganganib na mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN. Ilang beses na rin sinabi ni Pangulong ROdrigo Roa DUterte na hahadlangan niya ang renewal ng franchise ng media outlet.

“ABS-CBN ‘yan pera -pera lang ‘yan. Niloko ninyo kami. Kaya kayo hindi ko kayo palusutin. ‘Yung franchise ninyo matatapos, kasi ako talaga mag-object na ma-renew kayo. Alam n’yo kung bakit, magnanakaw kayo, estapador. Ginawa ninyo sa amin, marami kami. Mukha kayong pera lahat. mga P******i** kayo lahat,” banta ni Pangulong Duterte.

Ilan sa mga Kapamilya network talents na nanawagan ng pirma para sa petisyon para sa franchise renewal ng ABS-CBN ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, Agot Isidro, Ogie Alcasid at iba.

Source: Krizette Laureta Chu | 2 | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén