Local News

Intel Fund ng Opisina ni PDU30, Pwedeng Busisiin ng Senado at Kongreso! – Drilon

Kamakailan lang ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang P4.5-Trillion National Budget. Pero sa ibinasura ng Pangulo ang ilang probisyon tulad ng pagsusumite ng quarterly reports sa kongreso at senado ukol sa paggamit ng intelligence funds.

“Intelligence funds cover programs, projects and activities related to national security. In this regard, matters relating to national security are deemed confidential or classified information, which is one of the recognized exceptions to the right to information,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Ang naging hakbang ni Pangulong Duterte ay kinontra naman ni opposition senator Franklin Drilon. Ayon sa senador, mandato daw ng kongreso at senado na busisiin kung paano ginagamit ang intelligence funds. Kuda ni Drilon, mas makapangyarihan daw ang mandato ng senado at kongreso sa pagbusisi sa public fund kaysa sa sa veto power ni Pangulong Duterte.

“It is incumbent upon [the] Senate to continue exercising its oversight power over the utilization of P9.5-billion confidential and intelligence funds…Even with the vetoed special provision, the Congress can exercise its oversight power,” boladas ni Drilon.

Source: Inq | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén