Local News

Intelligence Fund ni DU30, Kinuwestiyon at Sinita ni Leni!

Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang malaking pagtaas sa confidential and intelligence funds ng Office of the President. Ginawa ni Leni ang pagpuna na ito sa kanyang programa sa radyo.

“Noong nabasa ko iyon (President’s request), tiningnan ko iyong progression. Tiningnan ko iyong progression, parang mula 2012 yata, 2012 hanggang 2016, P500 million iyong intelligence fund—intelligence and confidential fund. Eh ngayon, P2.5 billion?” boladas ni Leni

Angal pa kay Leni, dapat daw maipaliwanag sa taumbayan ang dahilan kung bakit nagtaas ng pondo.

“Tatlong taon pa lang iyong lumilipas, grabe iyong pag-increase. So siguro, para walang… walang, ano ito, walang pagdududa, baka mas mabuting naiintindihan natin,” boladas ni Leni

Nagsalita na ang Palasyo ukol sa intelligence funds para 2020. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, gagamitin ang pondo para mapangalagaan ang seguridad ng bansa.

“Government has to have resources to determine the threats against the state… Kailangan iyon, and you need money for that… Mahirap mag-secure sa isang bansa, kailangan mo talaga ng pera. You need people, you machines, technology. Maraming paggagastusan eh,” paliwanag ni Panelo.

Basahin ang naging reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa pahayag ni Leni laban sa intelligence funds ng office of the President.

” Sa daming gusto pumatay sa Presidente & sa dami ng mga leftiest , need tlga ng presidente ng mas malaking fund para masuplong ang mga eto. Hindi kaya eto ang rason kung saan nggagaling ang pagkakabahala mo madam VP?” sabi ni B. Nivera.

“Ito yung vice na lahat ng ginagawa ng presidente nya eh, oppose, hindi ka naman siguro bulag sa mga nagawa at natulungan ng presidente sa 3 yrs nya, mas madami masaya sa panunungkulan nya kesa mga nag daang presidente,” sabi ni E. Tagao.

” wag kana mag duda pa kasi c presidente DUTERTE ndi yan katulad nyo… duda kapa sa dami ng pinagawa ni duterte,” sabi ni E. Oyao.

Source: GMA | DWIZ | FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén