Local News

Interview ba ito o Interrogation? Panayam noon ni Karen Davila sa former NPA, pinuna ng mga netizens!

Kumakalat ngayon ang video ng panayam dati ni ABS-CBN anchor Karen Davila sa mga former New People’s Army (NPA). Ang nasabing interview ay nangyari noong administrasyon ni former president Noynoy Aquino.

Sa nasabing footage, mapapansin ang asta at paraan ng pagtatanong ni Davila sa mga kapanayam nito.

“It defies logic. Sasali kayo sa NPA ng napakatagal, sasabihin mo sa akin na nakapatay ka ng tao, sasabihin mo sa akin na nakapatay ka ng sundalo. Napakatagal na nagtago kayo na miyembro ng NPA at nag training para sabihin niyo sa akin na inaresto kayo ng sundalo na hindi tinorture at aaminin niyong NPA kayo. Bakit pa kayo sasali sa NPA? Eh isang kalabit lang pala aamin kayo,” boladas ni Davila.

Sinagot naman ng isa sa mga kapanayan ni Davila na trinato sila ng mabuti ng militar.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay pumalo na sa lagpas 16,000 ang nagbahagi na ng video. Umani na rin ang footage ng libo-libong reaksyon at komento sa soial media.

Hindi napigilan ng mga netizens na magbigay ng opinyon sa inasta ng kilalang news host.

Source: fb | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén