Local News

Watch! Intsik na Nambato ng Taho sa Pulis, Nagwala sa Presinto!

Ito lamang mga nakaraang araw ay bumulaga sa mga kababayan natin ang balita tungkol sa isang Chinese National na babae na nangsaboy ng taho sa Pilipinong Pulis na si PO1 William Cristobal sa MRT station. Kinilala ang Chinese na si Jiale Zhang. Si Zhang ay humingi na ng paumanhin sa kanyang inasal pero sinampahan pa rin itong ng kaso. Inulan ng batikos ang inasta ni Zhang sa social media. Inererekomenda naman ng Bureau of Immigration (BI) na ipa-deport na ang nasabing dayuhan.

Ngayong araw ay nagtungo ang mga kawani ng BI para arestuhin na si Zhang pero makikita sa video na nagpupumiglas ito. Limang opras pa raw na nagkulong ang Chinese national sa isang kuwarto sa Mandaluyong Poice Station matapos magpiyanse dahil umano sa takot niya sa mga taga-BI.

Panoorin ang kaugnay na ulat tungkol sa nangyari.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin tungkol sa nangyari kay Zhang.

“Kung yung mga OFWs natin at ang ibang mga pang Pinoy na nasa ibang bansa kapag gumawa ng mga bagay na labag sa host country na kanilang tinitirhan at pinagtatrabahuhan, sila ay hinuhuli, ikinukulong at idinedeport pabalik dito sa ating bansa, what more kaya dito sa mga dayuhan na nandirito sa ating bansa. Since we are the host country, foreigners should abide and respect our laws at kung lalabag sila sa ating mga batas, sila ay pwedeng makulong at madeport pabalik sa kanilang bansa,” sabi ni M. Miranda.

“Tama lng yan bigyan ng sample para di na pamarisan at malaman ng ibang dayuhan na matindi rin ang batas natin dito…! Mga chinese na yan abusado eh mahilig murahin nyan pilipino eh,” sabi ni A. Quioyo.

\

“Tama lng yan na maranasan nya kung paano ang mangbastos ng person with authority at mga pilipinos. Bka dati na nyang ginagawa na bastusin ang mga pilipino,” sabi ni S. Tabujara.

Source: News5 | GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén