Local News

Intsik na Umihi sa Kalsada at Nanapak ng Tanod, Ipapa-DEPORT ni Mayor Isko!

Hindi pinalagpas ni Manila Mayor Isko Moreno ang umano’y kabalbalang ginawa ng isang Tsino sa Tondo, Manila.

Nakarating sa kaalaman ni Mayor Moreno ang pag-ihi ng Tsino sa publiko at pananakit nito sa barangay tanod na nagpahinto dito.

“Foreigner.. it is immaterial what country you come from. If you go to Manila, follow simple rules. And I think that is a generally accepted rule that you don’t pee in the streets,” banat ni Mayor Isko.

Babala ng Alkalde, makakatikim ng kulong ang mga banyagang lumalabag sa batas at lalo na asa mga nananakit ng mga otoridad.

“You will be arrested because it is prohibited,” babala ni Mayor Isko.

“If you hit our enforcer, attempt to hurt our policemen because you are a superpower, you are not welcome in Manila,” dagdag pa ng alkalde.

Hindi na pinangalanan pa ni mayor Isko ang Tsino pero nakakulong na daw ito.

Gusto rin maka-usap ni Mayor Isko ang Bureau of Immigration para mapa-deport ang Tsino.

Ibinida naman ni Mayor Isko ang pagbaba umano ng “petty crimes” sa lungsod ng Mayila. Ayon sa alkalde, ito ay dahil sa mga isinagawang clearing operation sa Maynila. Ilan sa mga binanggit ni Moreno na lugar ay ang Juan Luna, Soler at Recto kung saan ang mga insidente ng sntching ay bumaba daw. Hinihintay pa ni Mayor Isko ang aktuwal na istatistika.

Naging laman ng balita si Mayor Isko nitong mga nagdaang araw dahil sa mga sunod-sunod na clearing operations laban sa mga illegal vendors. Namangha ang ilan nating kababayan sa pinagbago ng Recto sa Divisoria, Maynila at ng Carriedo. Kung noon ay siksik ang mga naturang lugar ng mga illegal vendors, ngayon ay nakakapaglakad na ng maayos ang mga mamamayan sa mga kalsada.

Sinira din ni Mayor Isko ang mga nakumpiskang video karera machines. Ang mga naturang makina ay daan umano para malulong ang mga kabataan sa bisyo. Ang mga lugar kung saan may mga video karera machines ay nagagagamit din daw sa mga transaksyon sa droga.

Source: GMA News | Rappler

Leave a Reply

Theme by Anders Norén