Local News

‘Mga Buwang! Inulan kayo ng Banat tapos Iiyak!’ – Erwin Tulfo

“Marami ho ang nabuwisit lalo na ang mga Duterte supporters,”

Nagbigay na ng komentaryo ang kilalang broadcaster na si Erwin Tulfo tungkol sa kumalat na cheerdance video ng mga estudyante mula sa University of the Philippines – Visayas (UP-V). Sa isang parte ng kanyang programa, tinawag niyang mga buwang ang mga mag-aaral.

“Political opinion lang daw iyon. Eh nag-trending at nagalit ang mga milyong Duterte Supporters. Inulan sila ng banat ngayon at natakot ang mga buwan. Noong natakot, depensa ang mga unibersidad ng Pilipinas, student council at student leader. Wala daw masama sa sinabi. Freedom of Expression daw iyon,” sabi ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, noong estudyante daw siya ay nakisali din umano siya sa mga anti-government rallies pero hindi umano nila isinisigaw ang pagpapapatay sa Presidente.

“Kayong mga taga-UP at estudyante na aktibista na makakaliwa, pare-pareho tayong naging estudyante. Sumali rin ako sa mga rally at nagalit din ako sa mga Pangulo (noon). Pero nungka na sinabi ng mga estudyante noon na ‘kill this president’, ang sinabi, ‘ibagsak at lansagin ang diktadurya. Sipain sa pwesto at palayasin sa Malacañang’. ‘Yun ang sinasabi ng mga estudyante noon. Walang sinabi noon na patayin ang Pangulo na iyan,” buwelta ni Tulfo.

Ipinaliwanag din ni Tulfo ang kaakibat ng freedom of speech at ang kinakaharap ng mga media practitioner na tulad niya pagnakakapagsalita ng hindi maganda.

“Mayroon ho tayong kalayaan sa pamamahayag. Mayroon ho tayong freedom. Iyan ay ating rights pero ang freedom na iyan ay pagsumusupil sa isa pang kalayaan, eh hindi na po magiging freedom iyan. Pagniyuyurakan mo na ang karapatan ng iba, ‘yung kalayaan ng iba, bawal. ‘Yang din ang paliwanag ng mga abogado. Kaya nga po ang sinasabing freedom of speech mayroon pong (kaakibat) na libel, idedemanda ka ng libel. Kami ho sa media kung mayroon kaming sinabi na hindi maganda, dinedemanda ho kami at sinasagot namin sa korte at pinapaliwanag,” paglilinaw ni Tulfo.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén