Local News

IP Leader, Tinadtad ng Bala ng NPA, Dinamay Pati Kapamilya, Kwento ng Anak!

Isiniwalat ni Christine Banugan ang mga kalupitan na ginagawa ng mga rebeldeng komunista laban sa mga lider ng mga indigenous people’s (IP). Ayon sa salaysay ni Banugan, pinasok ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang tahanan noong Disyembre 2016 at saka pinaulanan ng bala ang kanyang ama. Idinamay din ng mga rebeldeng komunista ang iba pa niyang kapamilya. na nagsusulong ng karapatan ng mga IPs. Nagtamo ng lagpas sampu na tama ng bala ang kayang ama, ayon kay banugan.

“They destroyed our development, our education, and our peaceful cultural living was destroyed. And that was our life since then,” kwento ni Banugan sa United Nations Headquarters sa New York City.

Umapela din si Banugan na magsagawa ang UN Officers ng imbestigasyon laban sa mga rebeldeng komunista. Nahaharap din si Banugan at mga kasama nito sa pagbabanta ng mga CPP-NPA-NDFP sa kanilang pagbalik nila sa Pilipinas.

“We expected that even before we spoke about the communist terrorists’ atrocities, we will already have those threats… We don’t have any regrets because for us, land is life and if we need to sacrifice our lives, if we need to risk another life, I think it’s worth it, for the survival of our tribe,” sabi ni Banugan.

Nagsalita din ang Tribal leader na si Magdalina Iligan, Ayon sa kanya, patuloy na nanggigipit ang mga NPA dahil sa pagbubunyag niya sa pamemerwisyo ng mga ito sa kanilang ancestral land.

“Inaabangan nila ako, kasi pag NPA ka dati, pag tumigil ka nang mag-NPA, ayaw nila na malaman ng mga tao ang totoong nangyari… Hindi na ako natatakot. Kung hindi ako tatayo, parang mawawala na yung tradisyon namin, yung tribo namin,” ani Iligan.

Kwento ni Iligan, naging myembro siya ng mga rebelde noong 14-anyos pa lamang siya at nabigyan ng mga posisyon. Sumuko siya sa gobyerno noong 2016.

Source: PNA | PNA | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén