Local News

Ipagpipilitan? ICC, Itutuloy pa rin ang Examination Laban kay DU30 Kahit Kumalas na ang Pinas!

Para kay International Criminal COurt (ICC) prosecutor Fatou Bensounda, itutuloy pa rin daw ng opisina niya ang eksaminasyon sa crime against humanity nlaban sa gobyerno ng Pilipinas kahit kumalas na ang ating bansa sa ICC.

“Pursuant to article 127.2 of the Statue, and based on prior ICC judicial ruling in the situation in Burundi, the Court retains its jurisdiction over crimes committed during the time in which the State was party to the Statute and may exercise this jurisdiction even after the withdrawal becomes effective,” sabi ni Bensouda s sa isang pahayag.

“My office’s independent and impartial preliminary examination into the situation in the Philippines Continues,” dagdag pa ni Bensouda.

Magugunitang naging pormal ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019, isang taon matapos ipaalam ng ating bansa sa ICC ang pag-alis sa organisasyon.

Sa isa naman pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipapa-deport nila ang sinumang taga-ICC na magpupunta sa Pilipinas para mag-imbestiga.

“Just smile at them and tell them nicely, ‘you can’t do it here.’ But if you persist, you will be deported,” banat ni Panelo.

Panoorin ang aktuwal na pahayag ni Sec. Panelo sa isyu.

Source: ICC | PTV | PNA

Leave a Reply