Local News

Ipasa lahat ng Estudyante para Walang Pasok hanggang Katapusan ng School Year dahil sa Coronavirus, Panukala ng navotas Mayor!

Inudyukan ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang Department of Education (DepEd) na bigyan ng pasadong marka ang lahat ng estudyante sa kanyang lungsod matapos lumabas ang balita ng mga bagong kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Sa kanyang panayam sa isang radio station, sinabi ni ayor Tiangco na wala siyang nakikitang problema kung susupindihin ang mga klase dahil 2-3 linggo na lang daw ang natitiras a school year.

Naniniwala si Mayor Tiangco na mas mabuti ang pagsuspindi sa mga klase kaysa malagay sa panganib ang mga kalusugan ng mga mag-aaral.

“Ako ay nakiusap sa DepEd na kung puwede ipasa na lang lahat ng mga bata for this school year… para wala nang pasok for the rest of the year… Mas importante naman ho siguro ‘yung buhay ng mga bata kaysa ‘yung ituloy pa nila ‘yung two or three weeks ng pag-aaral… May general average naman ‘yung mga bata as of this time, so baka naman pwe-pwedeng kung ano ‘yung general average nila, ‘yun na lang ang maging grado nila… Ang gusto ho natin is ‘yung maging safe… doon tayo sa mas safe diba po? Alam niyo naiintindihan ko, importante [ang] aral, importante ‘yung grado, sa isang taon meron pa’ng pag-kakataon, eh,” sabi ni Mayor Tiangco.

Si Tiangco ay isa sa mga unang akalde na nagsuspindi ng pasok sa paaralan matapos kumpirmahin ng Department of Health ang kauna-unahang kaso ng local transmission ng coronavirus sa Pilipinas.

Hindi naman inirerekomenda pa ng DOH ang pagpapasuspindi ng pasok sa paaralan.

Kanilang ay kinumpirma ni Senador Bong Go na magdedeklara si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng National Public Health Emergency.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén