Local News

Ipinapa-KANSELA na ang Refugee Status ni Joma Sison sa Netherlands

Ibinunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa isang panayam sa radyo na kinausap na nila ang deputy ambassador ng European Union para ipakansela ang refugee status ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison sa Netherlands para ma-extradite na ito patungong Pilipinas at maharap ang mga kasong isinampa laban dito.

Ayon kay Año, positibo raw ang naging tugon ng Europian Union sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas. Tinawag din ni Año na “good development” ang pagpapabalik kay Sison sa Pilipinas.

Magugunita na naglabas na ng warrant of arrest si Judge Thelma Bunyi-Medina ng Manila Regional Trial Court Branch 32 para panagutin si Sison sa nangyaring malawakang pamamaslang sa Inopacan, Leyte. Ayon sa ilang testigo at kaanak ng biktima, tinatanya nila umabot sa 300 katao ang pinaslang ng New People’s Army (NPA) sa lugar dahil napaghinalaan na mga espiya ng militar.

Sabit din sa arrest warrant ang asawa ni Sison na si Juliet, Armando Guerrero, Armando Liwanag, at mga dating National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace negotiators.

Sinabi na rin kamakailan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakikipag-ugnayan na sila sa International Police para mahui na ang communist leader.

“We will coordinate with the Department of Foreign Affairs, the Department of Justice, the International Police and other relevant agencies for the service of the warrant of arrest or other legal recourse available… We are elated as the victims’ families are for the issue of arrest warrant by the court against Mr. Jose Ma. Sison, his wife, and 36 others for the mass m*rder by the NPA of people who were suspected of being government spies that claimed the lives of about 300 residents in Leyte province in a purging activity infamously dubbed by the NPA as ‘Oplan Venereal Disease,” sabi ng AFP.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: