Local News

Isang Araw Matapos Magdeklara ng Tigil-Putukan, NPA Umatake at Nang-Ambush!

Kahapon ay nagdeklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng tigil-putukan mula sa December 23, 2019 hanggang Janaury 7, 2020. Ayon sa CPP, magiging epektibo daw ito pag nagdeklara ang gobyerno na sarili nitong ceasefire order.

“This ceasefire order shall take effect upon issuance of the corresponding and reciprocal ceasefire orders in the form of Suspension of Military Operations (SOMO) and Suspension of Police Operations (SOPO) to be issued by the Government of the Republic of the Philippines… All units of the NPA and the people‚Äôs militias shall be on defensive mode at both the strategic and tactical levels.They shall nonetheless maintain a high degree of militancy and vigilance against any hostile actions or movements contrary to the ceasefire order. Active-defense operations shall be undertaken only in the face of clear and imminent danger and actual armed attack by hostile forces,” sabi ng CPP Central Committee.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Edgard Arevalo, nakatanggap sila ng mga inisyal na ulat tungkol sa pananambang na isinagawa diumano ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Norte. Isang pulis ang binawian ng buhay at anim naman ang nasugatan.

Mayroon din natanggap na impormayon ang gobyerno tungkol sa pagsabog ng landmine sa Iloilo kung saan isang pulis naman ang nasugatan. Ang NPA ay ang armed wing ng CPP.

“There are at least two reported [violations] at the time that the ceasefire is already in effect,” sabi ni AFP Spokesperson Arevalo.

Para sa Spokesperson ng AFP, walang kontrol ang CPP sa mga tao nito.

“These violations on the other side is their responsibility. Pananagutan nila ito sa sambayanang Pilipino na umaasa na ngayong Pasko, at umiiral na ceasefire, sila ay makakapagdiriwang ng kapaskuhan ng tahimik at mapayapa… Hintayin natin kung ano ang kanilang palusot o paliwanag,” dagdag pa ni AFP Spokesperson Arevalo.

Source: Philstar | PTV | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén