Local News

Isko, Hindi Kayang Banatan ang NPA? DU30 Govt Official, Binoljak si Yorme

Sa kaniyang social media post, pinasaringan ni PCOO Usec. Lorraine Badoy ang isang alkalde na hindi daw kayang kundinahin ang New People’s Army.

“Ito ang tatanungin natin sa LAHAT na naglalakas loob hingiin ang tiwala natin sa susunod na halalan:
KAIBIGAN BA ANG TERORISTANG CPP NPA NDF? YES OR NO?
Kaibigan ba ang KAMATAYAN BLOC? YES OR NO?
KAYA MO BA IDEKLARA NA PERSONA NON GRATA ANG KOMUNISTANG TERORISTANG CPP NPA NDF? YES OR NO?
Pag GANITO kalinaw ang tindig tulad ni Mayor Inday, SAKA natin ibibigay ang tiwala natin kasi nasa mabuting kamay tayo at ang mga anak natin.
Wag yung ang lakas ng loob manghamon ng suntukan sa Pangulo pero takot pala sa komunistang teroristang CPP NPA NDF kaya hindi kayang ideklara na persona non grata ang mga tutoong kalaban ng Pilipinas.
Ang nakikisayaw sa terorista ay ang maglalagay uli sa atin at sa mga anak natin sa kapahamakan para lang sa AMBISYON.
Tapang at malasakit.”

Sa kaniyang ikalawang post, nilinaw na ni Usec. Badoy kung sino ang kaniyang pinatatamaan.

“Isa pa itong si Yorme.
Nanghahamon ng suntukan kay PRRD. At para talagang mas badass ang dating nya, sa Tondo daw sila mag-square. Hahaha … Hindi mo nga kayang sanggain ang mga teroristang CPP NPA NDF na pinagwa-wallop ni PRRD ngayon.”

Magugunita na pinatanggal noon ni Isko ang mga posters kontra-NPA sa kaniyang lungsod.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: