Local News

‘Isko-Ping 2022’ Manila Councilor Yul Servo, may Mahiwagang Post!

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ng konsehal mula sa Maynila na si Yul Servo ang isang litrato kung saan makikita na magkatabi si Manila Mayor Isko MOreno at si Senador Ping Lacson. Katabi ng larawan ng dalawa ay ang salitang “Isko-Ping 2022”. Alam naman ng karamihan na sa susunod na taon ay gaganapin ang presidential at vice presidential elections.

Magugunita na nitong nakaraang mga araw ay parating bumoboldas si Lacson ukol sa mga hakbang ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kamakailan naman ay nagsabi si Moreno na sumasagi na raw sa isipan niya na tumakbo sa mas mataas na posisyon. Kasabay ng pahayag na ito ni Moreno ay nagpasaring ito sa isang politiko na hindi na niya pinangalanan.

“Lahat kaming mga politiko, the moment sinawsaw namin ang paa namin sa putik ng politika or sa kalsada ng politika lahat kami at the back of our mind wish to get to the highest position (President)… “I swear to God thank you, akalain mo na basurero lang ako, maging Mayor lang ako ang laki ng blessing, not every garbage collector literally from the slum ay magiging Mayor tapos ngayon kinokonsider niyo ako (na maging Presidente) salamat sa inyo, I’m really grateful… Hindi ko gagawin yung kunwari ayaw (tumakbong Presidente) pero gusto, nabili na ‘yun eh, hindi ko kayo ilalagay sa waiting game, we have to be decisive with our decision… Yung lider na pipiliin natin ay hindi pwedeng magagalit-galitin, hindi pwedeng matatampu-tampuhin, hindi pwedeng may tantrums, hindi pwedeng divisive,” boladas ni Mayor Isko.

Matatandaan na noong tumakbo sa pagka-senador si Isko noong 2016 ay natalo ito. Pero tinanggap siya ng Duterte Administration para magsilbi sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Transportation (DOTr).

Kamakailan lang ay naging isyu si Isko sa social media matapos nitong ipabaklas ang mga anti-NPA posters sa Maynila. Ang Duterte Government ay may matinding kampaniya laban sa mga rebeldeng komunista.

Source: Yul Servo Nieto | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén