Local News

Isko, Puro Yabang? Former Universidad De Manila President, May Banat kay Moreno!

Sa isang twitter post, may pasaring ang dating presidente ng Universidad de Manila na si Malou Tiquia laban kay Manila Mayor Isko Moreno. Nagbigay ito ng opinyon patungkol sa sinabi ni Isko sa pagkandidato sa 2022. Sa kaniyang twitter post, tinawag nito na puro yabang ang alkalde.

Nitong mga nakaraang linggo ay naging laman ng balita si Moreno dahil sa mga parinig nito laban sa Duterte Administration. Magugunita na sinita noon ni Pangulong Duterte ang pagpapapila sa mga tao sa baha. Ang puna ng Pangulo ay minasama ni Moreno at simula noon ay naging madalas na ang mga pasaring nito laban sa national government.

Kamakailan lang ay sinita ni Isko ang pagbili ng Duterte Administration ng mga face shields. Aniya, mas dapat daw bumili ng medisina kaysa plastic.

Rumesbak naman ang MalacaƱang sa kuda ni Isko. Buwelta ng Palasyo, binili ang mga face shields para sa mga frontliners.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: