Local News

Isko, Remulla at Velasco, Nakikialam ba sa Anti-Terror Program ni Pres. Duterte? Former Scout Ranger, Binanatan ang mga Opisyales!

Kinuwestiyon ni Former Scount Ranger Abe Purungganan ang mga naging hakbang o pahayag nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Cavite Governor Jonvic Remulla at House Speaker Lord Allan Velasco.

Magugunita na ipinag-utos nina Mayor Isko at Gov. Remulla na baklasin ang mga anti-NPA posters sa kanilang mga nasasakupan. Habang si Speaker Velasco naman ay kinastigo si Lt. General Antonio Parlade dahil sa pagkonekta sa Makabayan Bloc sa Communist Party of the Philippines.

Sa isang social media post, binanatan ni Purugganan ang mga nasabing opisyal at sinabing pinahihina ang Presidente.

“Why is Speaker Velasco, Gov Remulla, and Mayor Moreno interfering with the counter-insurgency and anti-terrorism programs of Pres Duterte? These are national security programs and we have here officials of government trying to undermine the President, DND, DILG, AFP, PNP, and all other agencies of government that are now working to eradicate communist insurgency in the country.
The President’s counterinsurgency program is supposed to be a whole nation approach and here we have now 2 leaders of LGU’s and the Speaker of the House of Representatives trying to be indifferent,” banat ni Purugganan.

Sa hiwalay pang social media post, ay pinaalalahanan ni Purugganan si Mayor Isko na protektahan ang lungsod nito laban sa mga komunista. Nagababala din si Purugganan kay Mayor Isko na baka mawalan ng tiwala s aalkalde ang mga sundalo at pulis.

“Mayor, huwag mong gawin lungga ng komunista ang Maynila. Dudumihan, dudungisan at guguluhin lang ang siyudad. Kahihiyaan at karahasan lang ang idudulot ng mga ito sa mga taga Maynila. Walang pagkakaisa sa mga ito. Gagamitin ka lang nila. Baka mawalan pa ng gana sa iyo ang mga sundalo, pulis, at ang mamamayang Pilipino.” ani Purugganan.

Source: Abe Purugganan | Archive | Abe Purugganan | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén