Local News

‘Isko, Respetuhin mo ang mga Sara Duterte Supporters!’ Yorme, Nakatikim ng Resbak!

Hindi nagustihan ng radio host at social media personality na si Byron Cristobal ang naging litaniya ni Mayor Isko Moreno kamakailan lang. Magugunita na nagkomento si Isko tungkol sa pagbuhos daw ng mga tarpaulins imbes na tugon sa pandemiya.

Ayon kay Cristobal, dapat rumespeto daw si Isko sa mga tagasuporta ni Davao City Mayor Sara Duterte. Hindi man daw pangalanan ni Isko kung sinong politiko ang pinatutungkulan nito, mga supporters daw ni Mayor Sara ang nagkabit ng mga posters. Giit din ni Cristobal, hindi galing sa pamahalaan ang mga tarpaulins para hikayatin si Mayor Sara na tumakbo sa 2022.

“Ayaw kong bumanat sa iyo ng pabalang… Napakapangit kasi ng sinabi ninyo lalo sa mga supporters ni Mayor Sara. Ngayon kung gusto niyong magpalusot, na ang tinutukoy niyo ay picture ni Ely Pamatong, huwag na tayong magpalusot. Kasi ang comparison niyo ay bakit bumabaha ng tarpaulin imbes na bakvna. Ang dating ng sinasabi niyon ay ang tarpaulin ay related sa gobyerno. Alam natin na ang bumabahang tarpaulin ay hindi kay Pamatong kundi kay Sara. Hindi niyo mapipigilan ang supporter ni Mayor Sara kung ipapakalat nila ang tarpaulins,” sabi ni Cristobal.

Inungkat din ni Cristobal ang naging hakbang ni Isko sa mga anti-communist tarpaulins sa nasasakupan nito. Magugunita na pinatanggal ni Isko ang mga posters na tumutuligsa sa rebeldeng komunistang grupong New People’s Army (NPA).

“Lalong nagagalit sa inyo ang taumbayan. Naalala niyo nagalit na nga sila dahil yung mga tarpaulins ng
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pinatanggal ninyo… Ang dating sa tao ay kinakampihan niyo ang mga makakaliwang grupo. Alam naman natin na ang tinitira ng NTF-ELCAC ay mga armed group… Mayor, saan ka ba talaga kakampi, noong una papuri pa kayo sa Duterte Government, eh ngayon malapit na ang eleksyon kung saan-saan kayo napupunta,” dagdag pa ni Cristobal.

Source: Byron Cristobal

Leave a Reply

Theme by Anders Norén