Local News

Isla sa Manila Bay, Balak gawing Quarantine Site para sa Coronavirus?

Para maiwasan ang mabilis na pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCov), tinitignan ngayon ng gobyerno ang posibilidad na gawing quarantine sites ang Caballo Island sa may Manila Bay. Dito balak dalhin pansamantala ang mga Pilipinong ililikas mula sa China.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagsagawa na raw ng inspeksyon ang mga government health officials sa naturang isla.

Isa pa sa mga lugar na maaaring gawing quarantine site ay ang drug rehabilitation center sa Nueva Ecija.

Kahapon ay inaunsyo ni Senador Bong Go na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatupad ng pansamantalang travel ban mula sa anumang bahagi ng China. Ipinaliwanag naman ni Senador Go na hindi sakop ng pagbabawal ang mga Pilipino.

“Magkakaroon tayo ng temporary ban banning the entry of any person except Filipino citizens and holders of permanent resident visa issued by the Philippine government directly coming from China and its special administrative regions… Kung ibang bansa naman ang pinanggalingan mo pero nanggaling ka sa China within 14 days before arrival at hindi ka Pilipino o Philippine resident, hindi ka makakapasok sa Pilipinas,” paglilinaw ni Senador Go.

Ang coronavirus outbreak ay itinuring na bilang “global health emergency” ng World Health Organization (WHO).

“The main reason for this declaration is not because of what is happening in China but because of what is happening in other countries… Our greatest concern is the potential for this virus to spread to countries with weaker health systems which are ill-prepared to deal with it… This declaration is not a vote of non-confidence in China… On the contrary, WHO continues to have the confidence in China‚Äôs capacity to control the outbreak,” sabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Sa kabila nito ay hindi inirerekomenda ng WHO na limitahan ang pagbisita at pagnenegosyo sa Tsina.

Source: Manila Bulletin | DWIZ | Philstar | Inquirer| GMA News | WHO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén